Anyare sa GMA?

Buti pa noong bata pa ako, ok panoorin ang GMA. Favorite ko pa noon ang mga telepantasya nila, sila Igan, Kaka, Rhea, at Eagle ang naabutan ko paggising sa unaga, pati ang mga cartoons nila. Madalas ko pa nga gayahin si Mike Enriquez at kinanta ko pa isang beses ang theme song nila (“Kapuso, anumang kulay…”). Sobra kong nagustuhan ang GMA to the point na madalas ko pa i-drawing sa papel at kung saan-saan ang logo nila (yung rainbow at Kapuso). Kahit QTV pinanonood ko. Pero, ngayon, anyare?

Di natin masasabi kung kelan unang nag-umpisang magkanda-leche leche ang network. Pero sa tingin ko, nag-umpisa ang lahat noong kasagsagan ng AGB-Nielsen ratings controversy. Lumala ito noong 2009 nang simulang mag-introduce ng ABS-CBN ng mga top-rating na programa na nakahiligan ng mga Pinoy. Isa-isang nawala ang ilan sa mga palabas na aking kinalakihan, kagaya ng Lovely Day, Kay Susan Tayo, Sis, at marami pang iba.

Sinubukan nilang tapatan ang mga programang kagaya ng Showtime ngunit nabigo sila. Tumindi lalo ang kumpetisyon nang pumasok ang TV5. Maraming mga artista ang nagkalasan at lumipat sa TV5, at nakatulong rin ang mga resources ni Manny Pangilinan.

Wag na tayo masyado maligoy. Ngayong 2014, lumalala lalo ang programmimg ng GMA. Kada quarter may bagong palabas pero mawawala rin matapos ng ilang buwan (kung minsan pa nga eh, linggo). Paiba-iba ang timeslot ng ibang palabas. Maski Channel 11 na news channel daw ay nagkaka-leche leche rin. Saan ka ba naman nakakita ng news channel na may pelikula?

Binabasa ko mga press release at financial statements ng Siyete. Naku, ang yabang. Pinagyayabang pa rin nila na wala silang utang at kumikita pa rin samantalang halata na ang mga problema nila. Kahit na bumili ng shares si Ramon Ang ay wala pa rin ata nangyayari.

Sila lang ang walang livestream, sports division, integration sa social media at mobile. Ang mga loyalista nila, nako, walang alam. Sige suporta pa rin kahit na naghihingalo na ang minamahal nilang network.

Dapat nang ibenta ng tatlong pamilya na yan ang network, kung gusto nilang may kapuntahan ang pinaghirapan nila sa loob ng halos 40 na taon. At sana mabalik na sa dati ang takbo ng network.

Advertisements

ATC @ IBC: Maaari ba nitong mabago ang TV landscape?

image

Sa loob nang maraming taon, lumubog sa kawalan ang dating top-rater na Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13). Hindi na sila makapagpalabas ng mga makabuluhang programa (kitang-kita nyo naman, puros docu na paulit-ulit, isama nyo pa ang mga TV shopping, mga sabong na palabas at iba pa). Noong 2011, pumirma ng blocktime agreement ang IBC sa TV5 para makapagpalabas ng sports programs (hatid ng AKTV) at na-renew noong 2012. Subalit noong 2013, napagdesisyunan ni Manny V. Pangilinan na itigil na ang nasabing blocktime agreement dahil nalulugi sila (mahal na bayad at mababang ratings ang dahilan). At bumalik sa dati ang lahat.

Pero salamat sa Diyos, may isang kumpanya na lumitaw na tiyak na liligtas sa IBC-13 mula sa tuluyang pagkalimot. Ito ang Asian Television Content Philippines Corporation ni Mr. Rey Sanchez. Matagal na silang nasa IBC 13 (sa pamamagitan ng pag-ere sa One FC noong June 2013). Pero babalik sila, this time with more programs na tiyak na magiging kaabang-abang.

Ilan lamang sa mga shows na ihahatid nila sa ating mga tahanan ay ang Hi-5 (isang children’s show na nauna nang pinalabas sa TV5), IBC Classics (reruns ng kanilang mga di makakalimutang programa gaya ng T.O.D.A.S., Seeing Stars, Maricel Live, Takeshi’s Castle at marami pang iba), dalawang Mexicanovelas (The Two Sides of Ana at La Teniente) at mga documentaries gaya ng Fashion Confidential, Sports Confidential, at Hollywood Confidential. Magpapalabas din sila ng indie movies thru IBCinema.

Nagpo-promote na sa pamamagitan ng Facebook ang kanilang mga executives at marami-rami na rin ang na-iintriga tungkol dito. Ang pinakahuling balita tungkol sa kanila ay dadalo sila sa AdSummit Pilipinas na ginaganap ngayon sa Subic Bay Freeport Zone.

Mula April 25-27 ay nagpatikim na sila ng dalawang documentaries tungkol kay US President Barack Obama at asawa niyang si Michelle (na nataon sa kanyang state visit noong April 28 at 29)

Nakaka-excite ang mga programa na kanilang ihahatid sa atin, at nakatakda silang ilunsad ngayong Mayo, ngunit abangan pa rin natin kung mababago nga nila ang TV landscape ng bansa. Good luck sa ATC!